The “ Grand Ultimate” for Health, Cultural and Self-Defense
Ayon sa WEDO maraming dayuhang mananaliksik at Pilipinong manunulat ang tumutuklas
kung saan nagsimula ang salitang ARNIS. May nagsasabing ang Arnis raw ay nagmula sa
sa salitang ARNIS na nakasulat sa baluti ng sundalong kastila. Kung totoo man ito,
ibig sabihin hindi nag-simula ang ARNIS sa ating mga Pilipino.
May nagsasabing ang ARNIS raw ay nagmula sa ating magiting na unang bayani na si
RAJA LAPU-LAPU at ito ay nag-simula sa Kampilan na kanyang ginamit na sandata para
magapi ang manlalayag na si Ferdinand Magellan noong taong 1500. Ito ay tinatawag
ng ilan na KALI, na nagsimula sa salitang Kalis. Kung ito man ay may katotohanan,
ang ibig sabihin ang mga dayuhang kastila ang nagturo sa atin ng ARNIS o KALI, ESCRIMA.
Ayon sa WEDO maraming pananaliksik at pag-susulat patungkol sa ARNIS, ngunit hanggang
ngayon ito'y malaking katanungan sa kanilang kaisipan dahil walang sapat na katibayan
na nag-papatunay dito. Ayon sa pananaliksik ng WEDO ang limang (5) letra na bumubuo
sa salitang ARNIS ay may katotohanang kung iyong paniniwalaan. Ang Arnis ay hindi
ratan, kahoy, o yantok, bahi man ito o kamagong. Ang mga ito ay hindi matatawag na
Arnis.
Ayon sa WEDO ang salitang Arnis ay nagmula sa limang(5) unang pamilya ng mga Arnisador
at nag-eensayo na gamit ang ratan, na ang mga pamilyang ito'y mga tubong Negros at
Iloilo na kung saan sila'y sumasayaw ng SAULOG tuwing may okasyon o pagdiriwang.
Ayon sa WEDO ang SAULOG kadalasan ay ginagamit ng mga Arnisador ng pang-gamot sa mga
may sakit. Kung tawagin sa Panay ay Baylan, sila'y sumasayaw na hawak ang ratan at
umiikot palibot sa may sakit. Ang kaugaliang ito ay tradisyon noong unang panahon ng
ating mga ninuno sa isla ng Panay.
Ayon sa tamang tuklas ng WEDO, ang ARNIS ay KAMAY. Ang Ratan o anumang bagay na
karugtong o hawak ng kamay ay di matatawag na Arnis. Ang bagay na hawak nating mga
Arnisador ay tinatawag na Baston o Tungkod. Batay sa ginawang pananaliksik ng WEDO,
ang tungkod o baston ay ginamit ng propetang si Moises noong unang panahon na ito'y
nakasaad sa Biblia sa Lumang Tipan.
Maliwanag na ang Arnis ay tumutukoy sa kamay nating mga Pilipino. Ang baston o
tungkod ay karugtong lamang ng ating mga KAMAY o ARNIS. Ang salitang Arnisador ay tumutukoy
naman sa taong may “Kinaadman” o may likas na kaalaman o kakayahan, may
hawak man ito ng baston o wala, mananatiling Arnisador ang tawag sa kanya.
Panahon na upang imulat ang ating kaisipan ayon sa WEDO. Kung may katanungan ang
sinuman ukol sa nakatuklas nito ay marapat lamang na kayo mismo ang sumagot. Tuklasin
at pag-aralan ang Arnis na nasa inyo at nasa ating lahat. Ito'y magsisilbing hamon sa
mga nag-nanais tuklasin ito.